Dahilan ng class suspension dapat specific – DepEd sa LGUs

Arlene Rivera Sep 18, 2026
178 Views

HINIMOK ng Department of Education (DepEd) ang mga local government unit (LGU) na maging specific kapag magsususpinde ng klase para hindi maapektuhan ang learning time ng mga estudyante.

Kaugnay ang pakiusap ng DepEd sa executive order sa Suspension and Resumption of Classes and Work in Educational Institutions and Other Related Matters.

Layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at guro, ayon sa DepEd.

Sinabi ng DepEd na dapat specific ang dahilan ng class suspension.

Sa Calumpit, Bulacan, marami pang nasa baha na paaralan kaya kailangang i-suspend ang klase.

“Our request is simple: be specific when you suspend. If the risk is limited to certain areas, identifying those areas can help schools in unaffected areas continue learning,” sabi ni Education Secretary Sonny Angara.

Nilinaw ng ahensiya na hindi layunin ng executive order na alisin ang power ng local chief executives sa pag-suspend ng classes.

Layunin nito na palakasin ang ugnayan ng local disaster risk reduction and management office at education authorities.

Sa Region III, siyam na learning days ang nawala. Sa Pampanga, 26 araw na ang nawala. Sa Region XII, ang average na nawala sa lahat ng lalawigan doon ay 8.4 learning days.