Money Kinilala ni PLt.Col.Rommel Anicete ang dalagang dinampot sa kasong money laundering. JONJON C. REYES

Dalaga dinampot sa Port Area dahil sa money laundering

Jon-jon Reyes Jun 25, 2026
92 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng MPD Baseco Police Station 13 ang isang 29-anyos na babae dahil sa kasong paglabag sa anti-money laundering act (12 bilang),matapos maispatan ito sa Block 1 Gasangan, Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area Manila, Miyerkoles ng hapon.

Nakilala ang akusado na si alyas Janesa, tubong Zamboanga Del Norte Babae, dalaga, at residente ng Block 1, Gasangan, Brgy. 649, Baseco Compound, at kabilang sa Top 5 Most Wanted Person (District Level).

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, commander ng MPD Baseco Police Station13, bandang 1:00 ng hapon nang damputin ang suspek sa nasabing lugar.

Sa pangunguna ni PLt. Apolonio B. Ellao, ng Warrant and Subpoena Section, at sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng Station Commander na si PLt.Col. Rommel S. Anicete, inihain ang Warrant of Arrest sa akusado.

Ang warrant ay inisyu ni Judge Maria Victoria Soriano Villadolid, ng RTC National Capital Judicial Region, Branch 24, Manila City.

Inirekomenda ng korte ang pyansang P140,000 sa bawat bilang ng kaso nito para sa kanyang pansamantalang kalayaan.