Suspek Kinilala ni PLt. Col. June Paolo Abrasado ang suspek sa pagnanakaw ng mga kubyertos at tinidor sa Manila Hotel.

Lalaki dinampot sa pagpuslit ng P12K halaga ng kutsara,tinidor mula Manila Hotel

Jon-jon Reyes Jun 25, 2026
95 Views

HULI ang lalaki matapos mabuking na ninakaw ang mga kubyertos at tinidor sa Manila Hotel pero nahulog ang mga ninakaw sa exit ng hotel sa Ermita, Manila noong Lunes.

Kinilala ang suspek na si alyas Onin, 43, na ayon sa report bandang alas-2:30 ng madaling araw ng nenokin ang mga kutsara.

Naka-duty ang security guard ng makitang mahulog ang 26 na tinidor at 7 kutsarang pilak na nagkakahalaga ng kabuuang P12,658.14 mula sa suspek na nakabalot sa dilaw na tela..

Nang tanungin ang suspek kung may pahintulot siyang ilabas at kunin ang nasabing mga gamit sa lugar, nabigo siyang magpakita ng anumang dokumento kaya inaresto ang suspek.

Itinurn over ang suspek kina Pat Jerome Langcay at Pat Richard Forlales ng Rizal Park outpost at dinala sa himpilan ng pulisya para sa nararapat na imbestigasyon.