Dating sundalo niyari

Bernard Galang Jan 25, 2026
147 Views

CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Isang retiradong Philippine Marines member ang nabaril at napatay sa Brgy. San Josef, Peñaranda, Nueva Ecija noong Biyernes.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ang biktima na si Reynaldo Alfaro, 62.

Ayon sa report, isinasara umano ng biktima ang gate ng kanyang bahay nang bigla siyang barilin ng isang hindi pa nakikilalang armado.

Isinugod ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.

Siniguro ng mga rumespondeng pulis ang pinangyarihan ng krimen at humingi ng tulong sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sa wastong pagproseso ng lugar at pagkuha ng ebidensya.

Patuloy ang backtracking, imbestigasyon at manhunt upang matukoy ang suspek at ang motibo ng pamamaslang.