ICC

De Lima: Pagtanggi ng ICC na palayain DU30 patunay na ebidensiya malakas

288 Views

WINELKAM in House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila M. de Lima ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na tanggihan ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte para sa pansamantalang paglaya, na tinawag niyang “swift, expected, and grounded in strong evidence.”

“That was quick,” ani De Lima sa statement. “We welcome the rejection of the International Criminal Court’s (ICC) Pre-Trial Chamber of Rodrigo Duterte’s request for interim release.”

Ayon kay De Lima, hindi nakakagulat ang desisyon ng ICC at binigyang-diin na ang hiling ni Duterte “lacks support both in fact and in the Rome Statute.”

“The ICC does not easily issue warrants of arrest without any inkling of the weight of the evidence,” aniya.

“In the case of Duterte, the evidence is strong enough for the ICC to require his detention during trial. This denial is an indication of the strength of the evidence against Duterte,” dagdag ni De Lima.

Pinuri ng opposition lawmaker ang ICC sa pagiging patas at sa paninindigan nito sa katarungan, at binigyang-diin na ang tribunal “will spare no sacred cows.”

“Expectedly, as a no-nonsense court, the ICC will spare no sacred cows. It will not show favor to anyone, and will only listen to reason and side with what is just and right,” sinabi ni De Lima.

Tinukoy rin ni De Lima ang patuloy na impluwensiya ni Duterte sa bansa, at nagbabala na ang mga hakbang para sa pananagutan ay dapat sabayan ng proteksyon para sa mga saksi at biktima ng giyera kontra droga.

“We also saw how influential Duterte still is in the country,” aniya. “That’s why as we continue to call for justice and accountability, we should also protect the witnesses and encourage other victims of the murderous ‘War on Drugs’ to speak out and join our fight.”

Si De Lima, na nakulong ng anim na taon sa ilalim ng administrasyong Duterte dahil sa tinawag niyang “fabricated drug charges,” ay nangakong ipagpapatuloy ang laban para sa hustisya ng mga biktima ng extrajudicial killings.

“Patuloy nating palakasin ang ating laban para mapanagot ang pasimuno at ang lahat ng kasabwat sa krimen laban sa sangkatauhan ― ang walang habas na pagpatay sa libo-libong Pilipino, kasama na ang mga inosenteng bata,” pahayag ni De Lima.