Barbers

Death penalty para sa mga smugglers, hoarders hiling ni Barbers sa liderato ng 20th Congress

Mar Rodriguez Jul 3, 2025
291 Views

HINIHILING ni dating Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace “Alas” S. Barbers sa liderato ng Kamara de Representantes sa ilalim ng 20th Congress ang pagpapataw ng parusang kamatayan laban sa mga lokal at dayuhang smugglers at hoarders ng mga agricultural at fisheries products.

Pagbibigay diin ni Barbers, dating Chairman ng House Quad Committee at House Committee on Dangerous Drugs, na tinatanggalan ng hanapbuhay ng mga tusong local at foreign smugglers ang mga magsasaka at mangingisda dahil sa kanilang modus-operandi.

Sinabi ni Barbers na sa kabila ng naging ganap na batas na noong nakaarang taon (September 2024) ang Anti-Agricultural Economic Sabotage (AGES) Act kung saan pinapatawan nito ng mabigat na parusa o penalty ang mga smugglers at cartels.

Subalit binigyang diin ni Barbers na hindi parin nito naawat at napigilan ang talamak na smuggling ng mga agricultural at fisheries products kung saan ipinapalagay ng dating kongresista na mistulang hindi na natatakot ang mga nasabing smugglers.

Ipinahayag pa ng dating Chairman ng House Quad Comm na hindi nasawata ng AGES Act ang palasak na pagpupuslit ng mga produktong agrikultura at pangingisda kung saan kinasapakat pa ng mga negosyanteng Intsik ang ilang mga Pilipino.

“The AGES Act appears did not instill fear or force smugglers to mend their ways. Unscrupulous China based-traders, together with their Filipino cohorts continue smuggle decaying assorted types of fish and vegetables, frozen duck, chicken, pork,” sabi ni Barbers.

Dahil dito, iginigiit ni Barbers na panahon na para magkaroon ng death penalty law sa Pilipinas para sa ilang krimen tulad ng smuggling na itinuturing na “economic sabotage” para sa mga agricultural at fisheries products.