Angara Education Secretary Sonny Angara Photo mula sa DepEd Philippines FB

DepEd naglabas ng guidelines para sa GAS-TUKLAS implementation

Arlene Rivera Jul 24, 2026
242 Views

NAGLABAS ng guidelines ang Department of Education (DepEd) para sa pilot implementation ng Government Assistance and Subsidies-Training and Upgrading Knowledge for Learners, Teachers and Achievers in Schools (GAS-TUKLAS) Program para sa 2026–2027.

Kasama sa programa ng ahensiya ang financial assistance para sa mga eligible learners at teacher-coaches na kasali sa DepEd endorsed o DepEd-acknowledged national at international competitions.

“Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na hindi natin dapat hinahayaang maiwan ang alinmang talento dahil lamang sa kawalan ng suporta. Sa pamamagitan ng GAS-TUKLAS, nilalayon nating bawasan ang pasanin ng ating learners at teacher-coaches upang makatutok sila sa pagpapahusay at paghahatid ng karangalan sa bansa,” sabi ni DepEd Secretary Sonny Angara.

Ang GAS-TUKLAS ay para sa mga public at private elementary at secondary schools.

Dapat aprubado ang funds, applicable government rules, registration fees at training at preparation expenses ng mga kasali sa GAS-TUKLAS.

Puwede nang mag-apply para sa school year 2026–2027 ang mga learner at teacher-coach para sa required documents.

Para sa iba pang tanong, puwedeng kontakin ang GASS–Policy Review and Development Division sa gass.prdd@deped.gov.ph.