Diokno

Diokno, Bersamin lusot na sa CA

93 Views

LUSOT na sa Commission on Appointments sina Department of Finance (DOF) secretary Benjamin Diokno at Executive Secretary Lucas Bersamin.

Si Bersamin ay dating Chief Justice ng Korte Suprema. Siya ay chairperson ng Government Service Insurance System bago itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang Executive Secretary.

Si Diokno naman ay dating Budget Secretary ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Siya ay dati ring governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang mga itinatalaga ng Pangulo sa mga matataas na posisyon ay dumaraan sa CA.