Vergeiri

Japan nagbigay ng medical equipment sa DOH

87 Views

NAGBIGAY ng mga medical equipment ang gobyerno ng Japan sa Department of Health (DOH) upang makatulong sa COVID-19 vaccination program nito.

Tinanggap ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang mga medical at cold chain equipment sa isang seremonya sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City.

Sinabi ni Vergeire na makatutulong ang mga donasyon upang mapalawig ang pagbabakuna laban sa COVID-19.