DMW1 Source: Raffy Tulfo in Action FB/Joseph Muego

DMW PERSONNEL NA NAGSUPLADO SA MGA OFW SA PH EMBASSY SA BAHRAIN, SIBAK SA PWESTO AT IPARE-CALL NA!

166 Views
Tulfo
Agad tinawagan ni Sen. Raffy Tulfo March 9 ng umaga si DMW Sec. Hans Leo Cacdac para pag-usapan ang insidenteng ito at imungkahi na panagutin ang DMW staff sa maling inasal nito.
RAFFY TULFO IN ACTION/JOSEPH JJUEGO

DMW

NAKARATING kay Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Sen. Raffy Tulfo ang viral video ng isang Department of Migrant Workers (DMW) personnel na makikitang nagsuplado at nagtaboy sa mga OFW na dumudulog sa Philippine Embassy in Bahrain nitong Linggo.

Kaya agad tinawagan ni Sen. Raffy March 9 ng umaga si DMW Sec. Hans Leo Cacdac para pag-usapan ang insidenteng ito at imungkahi na panagutin ang DMW staff sa maling inasal nito.

Dito nangako si Cacdac na sisibakin na sa pwesto at ipapa-recall na ang nasabing kawani.

At ilang minuto lamang matapos tawagan ni Sen. Idol si Sec. Cacdac ay inanunsiyo na ng kalihim sa isang official Facebook post na ipina-recall na ang involved na DMW personnel.

Sa huli ay iminungkahi rin ni Sen. Raffy na pag-aralan din dapat ni Sec. Cacdac na patawan ng sanction ang immediate supervisor ng nasabing personnel, na sinang-ayunan nito.