Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
Calendar
Provincial
Droga, boga nasamsam sa obrero sa Lian
Jojo Cesar Magsombol
Aug 17, 2026
156
Views

LIAN, Batangas — Timbog noong Biyernes ang 45-anyos na construction worker matapos mahulihan ng baril at pinaghihinalaang shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Bungahan ng bayang ito.
Ang suspek, si alyas Kokoy, ay nadakip sa pamumuno ni PCol. Oliver Ebora, acting director ng Batangas police, bandang ala-1:03 ng madaling-araw, ayon sa report ng Lian police.
Isang caliber .38 revolver, shabu na apat na gramo na nagkakahalaga ng P27,200, sling bag at boodle money ang nakumpiska sa suspek.
Nakadetine sa piitang bayan ng Lian ang suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Baccay siniguro kaligtasan ng lahat ngayong Undas
Oct 31, 2026
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026

