Khonghun Deputy Speaker Jay Khonghun, Baguio City Mayor Benjamin Magalong

DS Khonghun hinamon si Magalong na humarap sa pagdinig ng Kamara, patunayan mga akusasyon

265 Views

ISANG lider ng Kamara de Representantes ang nanawagan kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ilantad sa isasagawang imbestigasyon ng Kongreso ang kanyang mga alegasyon hinggil sa iregularidad sa flood control projects at ilabas ang kanyang mga ebidensya upang lumabas ang katotohanan.

Iginiit ni House Deputy Speaker at Zambales Rep. Jay Khonghun ang kahalagahan na mailabas ang mga ebidensya kaugnay ng mga alegasyon upang maiwasan ang mga haka-haka at maprotektahan ang mga whistleblowers at ang mga nadadamay sa alegasyon na wala namang kinalaman.

“The House will only take him seriously if his allegations on flood control anomalies are placed on the record, supported by documents and tested under questioning. That means naming names in the hearing, submitting contracts and fund flows, and swearing to the facts so accountability can follow,” ani Khonghun.

Dagdag pa ng mambabatas, handa ang Kamara na tumanggap ng testimonya at suriin ang ebidensya bilang bahagi ng tungkulin nitong magbalangkas ng batas, at ang pinakamalaking kontribusyon na maibibigay ni Magalong ay ang pagharap at pagpapatunay ng kanyang mga alegasyon sa pagdinig ng Kamara.

“If Mayor Magalong believes public funds were misused, he should help us prove it in committee. Bring the project lists, procurement papers and disbursement records. Put the facts under oath so we can separate rumor from wrongdoing and act on the evidence,” aniya.

Nauna nang sinabi nina Deputy Speaker Yasser Balindong ng Lanao del Sur at Deputy Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur na sila ay nainsulto sa paggamit ni Magalong ng terminong “moro-moro” upang siraan ang nalalapit na imbestigasyon ng Kamara hinggil sa flood control projects, dahil bagama’t karaniwang ginagamit ito upang tukuyin ang isang huwad na palabas, taglay nito ang kasaysayang nakasasakit sa mga pamayanang Muslim.

Hinimok ni Khonghun si Magalong na gumamit ng mas maingat na pananalita at dalhin ang alegasyon kasama ang mga ebidensya sa tamang forum.

Binigyang-diin niya na naitatag na ang Tri-Infra Comm ng Kamara upang tumanggap ng testimonya hinggil sa diumano’y iregularidad sa flood control projects at nakapagpadala na ng mga imbitasyon sa mga personalidad na nagbato ng akusasyon sa publiko.

Aniya, handa ang panel na suriin ang mga dokumento, tumawag ng mga saksi at i-refer ang mga bagay ito sa angkop na ahensya na magsasagawa ng dagdag na imbestigasyon upang mas lumabas ang katotohanan.

“Put the facts on the record where they can be tested. If there are project lists, bidding papers or payment trails, bring them to the hearing so everyone can see the chain of proof,” aniya.

“Mag-ingat tayo sa salita. Huwag nating sabihing palabas ang imbestigasyon kung wala pang ebidensya na inilalabas. We need details, not sweeping allegations that affect the institution. Kung tingin ni Mayor Magalong ay may ebidensya siya, buong tapang sana niyang harapin ang komite,” sabi ni Khonghun.

Binigyang-diin din ni Khonghun na maglalaan ang Kamara ng ligtas na paraan para sa pagsusumite at igagalang ang sinumang saksi na haharap, kabilang ang alkalde ng Baguio, ngunit maninindigan itong dapat ang mga alegasyon ay tugma sa mga rekord at sinumpaang pahayag.

“If he chooses to testify, we will give him the space and the time to present. The same standard will apply to everyone named. Evidence first, conclusions later,” saad ng mambabatas.

“If the evidence identifies wrongdoing, consequences will follow. If a member is implicated, the institution will not shield anyone,” dagdag pa ni Khonghun.