116 kriminal tiklo sa CIDG-RFU 3
Jun 6, 2026
Dahil sa panghahalay, 2 Amerikano inaresto
Jun 6, 2026
EPD cops inaresto 8 carnap suspek
Jun 6, 2026
Calendar
Nation
Easytrip, Autosweep iisa na–DOTr, TRB
Jun I Legaspi
Oct 21, 2025
317
Views
SIMULA sa October 21 hindi na kailangang gumamit ng magkakaibang radio frequency ID (RFID) account ang mga motorista para makatawid sa mga toll expressway sa Luzon, ayon sa Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB).
Inilunsad ng dalawang ahensya, katuwang ang Autosweep at Easytrip, ang One RFID, All Tollways para magbigay sa mga motorista ng mas maginhawang opsyon sa paglalakbay gamit ang iisang RFID account.
Para mag-register sa One RFID, All Tollways, ito ang mga steps–mag-opt-in online at pumili ng nais na RFID service provider; ipaalis ang hindi napiling RFID sticker sa mga awtorisadong customer service center; at mag-load sa napiling RFID account.

