Ortega Deputy Speaker Paolo Ortega V

Ortega winelkam panawagan ng MBC ng due process para sa lahat, pati kay Romualdez

353 Views
Ongpin
MBC Executive Director Apa Ongpin

WINELKAM ni Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union nitong Martes ang pahayag ni Makati Business Club (MBC) Executive Director Apa Ongpin, na aniya’y sumasalamin sa panawagan ng publiko para sa patas na proseso at due process sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng mga umano’y anomalya sa flood control projects.

Pinuri ni Ortega ang mga sinabi ni Ongpin, na aniya ay kaayon ng mga prinsipyo ng transparency at accountability na isinusulong ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at ni dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na patuloy na nakikipagtulungan sa imbestigasyon.

“We welcome Mr. Ongpin’s statement as a reminder that justice must never be selective. The process must be based on facts, not political color or pressure,” sinabi ni Ortega.

Sinabi ni Ongpin na tulad ng sinuman, nararapat lamang na si dating Speaker Romualdez ay mabigyan ng due process at isang patas at independiyenteng imbestigasyon.

Binigyang-diin din niya na dapat kumilos ang mga imbestigador nang malaya sa anumang impluwensiyang pulitikal, at tiyaking ang mga inaakusahan ay mabibigyan ng pagkakataong maipagtanggol ang kanilang sarili nang maayos.

Iginiit pa ni Ortega na ipinakita na ni Romualdez ang kanyang integridad nang kusang bumaba sa puwesto bilang Speaker noong nakaraang buwan, upang matiyak ang “full accountability and transparency” sa gitna ng imbestigasyon.

“We’ve seen the former Speaker face these issues squarely. He has cooperated with investigators and remains committed to the truth. That’s the kind of leadership the public deserves to see,” dagdag pa ni Ortega.

Muling iginiit ng lider ng Kamara mula La Union na ang due process ang pundasyon ng katarungan, at ang kredibilidad ng pamahalaan sa kampanya laban sa korapsyon ay nakasalalay sa walang kinikilingang imbestigasyon.

“Let’s allow the truth to come out through proper process,” pahayag ni Ortega said. “That’s how we uphold the rule of law and protect the integrity of our institutions.”