Calendar
Embahada ng PH sa Washington nagsilbi sa mga Pinoy
WASHINGTON, D.C.–Naghatid ng mga serbisyong konsular at pagpaparehistro para sa overseas voting ang embahada ng Pilipinas sa Washington, D.C. para sa daan-daang Pilipino sa Cayman Islands.
Layunin nitong muling patibayin ang komitment ng pamahalaan na ilapit ang serbisyo sa mga Pilipinong nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.
Sa pangunguna ni Consul General Zoilo Velasco, katuwang sina Honorary Consul Arturo Ursua at ang grupo ng mga boluntaryo, mabilis na naisilbi ang iba’t- ibang serbisyo.
Kabilang sa mga naiproseso ay ang 409 na aplikasyon para sa pasaporte, pagpaparehistro ng 294 na botanteng nasa ibayong-dagat at ang muling pagkuha ng dual citizenship ng 12 indibidwal.
Para sa mga nagnanais mag-abang sa mga susunod na outreach mission at iba pang serbisyong konsular, maaaring bisitahin ang opisyal na website ng Embahada sa philippineembassy-dc.org o magpadala ng email sa consular@phembassy-us.org.

