Parak

Shabu nakuha sa NE

Steve A. Gosuico Jul 3, 2026
144 Views

CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City--Nakakumpiska ang Nueva Ecija Police Provincial Office ng shabu na nagkakahalaga ng P102,816 sa magkakahiwalay na operasyon noong Huwebes.

Nakatimbog ng 11 hinihinalang tulak ang mga pulis mula sa San Antonio, Gapan, Cabanatuan, Rizal, Peñaranda, General Natividad, at San Leonardo Police Stations.

Sa kabuuan, nakakumpiska ng nasa 15.12 gramo ng shabu katumbas ng P102,816.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag ng RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Sinabi ni Nueva Ecija police chief Col. Ritchie R. Claravall na: “Nanatiling matatag ang kapulisan sa pagtupad ng kanilang mandato na sugpuin ang illegal na droga.

Sa pakikipagtulungan sa komunidad, patuloy nating poprotektahan ang bawat Novo Ecijano upang siguraduhin ang isang payapa, ligtas at drugfree Nueva Ecija.”