ERC

ERC gusto palakasin ng Senado

177 Views

TINALAKAY ng Senate Committee on Energy noong Oktubre 8 ang mga panukalang batas na naglalayong palakasin ang Energy Regulatory Commission (ERC), sa layuning makamit ang full electrification ng bansa.

Ayon kay Sen. Pia Cayetano, halos 2 milyong kabahayan pa rin ang walang maayos na supply ng kuryente na nakaaapekto sa edukasyon ng mga kabataang mula sa mahihirap na pamilya.

“A resilient energy sector requires an efficient regulator. Reliable and affordable energy is the foundation of inclusive growth.

Strengthening the Energy Regulatory Commission (ERC) and achieving total electrification will bring us closer to a future where no Filipino is left in the dark,” ani Cayetano.

Tinalakay ang Senate Bill Nos. 346, 367, at 1164 na inihain nina Sens. Cayetano, Win Gatchalian at Jinggoy Estrada na layuning amyendahan ang EPIRA Law upang palakasin ang pamumuno at awtonomiya ng ERC.

Suportado ni ERC Chairperson Atty. Francis Saturnino Juan ang panukala, iginiit ng mga senador na may mga institutional gaps na kailangang tugunan. Sl

Sinang-ayunan ito ni DOE Secretary Sharon Garin at sinabing mahalagang tiyakin ang competitiveness at transparency sa sektor ng enerhiya.

Ipinahayag naman ni NEA Administrator Antonio Mariano Almeda na malaking hadlang sa elektripikasyon ng mga liblib na lugar ang kakulangan sa pondo.

Nangako ang ilang senador ng tulong upang masiguro na walang komunidad ang mapag-iiwanan.