Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Nanggulo nagpakilalang parak, huli ng tunay na parak
Jul 10, 2026
Calendar
Nation
Eroplano nagkaproblema ligtas nakabalik sa NAIA
Jun I Legaspi
Jul 3, 2025
414
Views
KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ligtas na nakabalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Saudia flight na patungong Jeddah noong Huwebes matapos makaranas ng teknikal na problema.
Dakong alas-12:51 ng hatinggabi nakatanggap ang CAAP Operations Center ng ulat mula sa Manila Area Control Center na ang Flight SVA 871 ay bumabalik sa Maynila.
Matagumpay itong nakalapag sa NAIA bandang ala-1:25 ng madaling araw.
Nakikipag-ugnayan ang CAAP sa airline at mga kaugnay na ahensiya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at ang tuloy-tuloy na kahandaan sa mga operasyong panghimpapawid.

