Calendar
Source: File photo ni JONJON C. REYES
LPA, habagat magpapaulan sa Luzon hanggang Linggo
ASAHAN pa ang mas malakas na ulan sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon hanggang Linggo dahil sa low pressure area (LPA) at southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon sa Pagasa, magdadala ang LPA ng ulan na 100 hanggang 200 mm sa Cagayan mula Miyerkules hanggang Biyernes ng tanghali.
Mararanasan din ang pag-ulan mula 50 hanggang 100 mm sa Batanes, Apayao, Abra, Kalinga at Ilocos Norte.
Mula Biyernes hanggang Sabado ng tanghali, ang LPA ay magdudulot ng pag-ulan mula 50 hanggang 100 mm sa Batanes, Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.
Sa Sabado hanggang Linggo ng tanghali, ang LPA ay magdadala ng pag-ulan mula 100 hanggang 200 mm sa Batanes at 50 hanggang 100 mm sa Cagayan, Apayao at Ilocos Norte.
Samantala, ang Habagat ay magdudulot ng pag-ulan mula 100 hanggang 200 mm sa Pangasinan, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro mula Miyerkules hanggang Biyernes ng tanghali.
Inaasahan din ang pag-ulan mula 50 hanggang 100 mm sa Metro Manila, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Ifugao, Mountain Province, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite at Batangas.

