Calendar
Ex-OFW Partylist rep pinuri si PBBM
PINURI ni dating OFW Party List representative Marissa “Del Mar” Magsino si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. dahil sa utos sa Department of Migrant Workers (DMW) na magtatag ng Migrant Workers Office (MWO) sa Cambodia. Sa kaniyang state visit sa nasabing bansa, sinabi ng Pangulong Marcos na hindi maglalaon magkakaroon ng MWO sa Cambodia kasunod ng kaniyang pakikipag-pulong sa mahigit 50 miyembro ng Filipino community sa Phnom Penh. Pinasalamatan din ni Magsino si Pangulong Marcos sa pagsisikap na matulungan ang mga OFWs sa iba’t-ibang bansa at tiyakin na sila ay ligtas at nasa maayos na kalagayan. Sinabi ni Magsino na malaki ang maitutulong ng bagong MWO sa Cambodia sapagkat direktang makikinabang dito ang tinatayang 10,000 Filipinos na nagtatrabaho sa naturang bansa.
Kasama sa mga benepisyong maibibigay ng MWO para sa mga OFWs ay ang legal assistance, welfare assistance, reintegration programs at skills training. Ipinahayag pa ng lider ng OFW Party List Group na napapanahon din ang paglalagay ng MWO sa gitna ng mga concern ng mga OFWs sa Cambodia bunsod ng laganap na scam hubs na bumibiktima ng napakaraming Pilipino.
Ikinababahala ni Magsino na napakaraming OFWs sa Cambodia ang nabibiktima ng scam hubs at lalo pa itong lumala ngayong 20225 dahil umabot na sa 24 Pilipino ang naging biktima. Dumalo si Magsino kamakailan sa mid-year membership general assembly at mass oath taking at pinning ceremonies ng Real Estate Salesperson bilang Chairlady ng Board of Advisers.

