Abante1

Ex-Speaker Romualdez balak dalawin nina Abante, Barbers

Mar Rodriguez Sep 19, 2026
129 Views

BALAK dalawin nina Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. at dating Surigao del Norte Rep. Ace S. Barbers si dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanyang detention facility kapag pinayagan na ang mas malawak na access sa mga bumibisita.

Ayon kay Abante, hindi pa niya nadadalaw si Romualdez ngunit nais niya itong kumustahin kapag pinayagan na ang pagbisita ng mga hindi kabilang sa kanyang agarang pamilya at mga abogado.

“Ako, hindi pa. Balak ko dalawin din,” pahayag ni Abante.

Sinabi rin ni Barbers na tila limitado pa rin sa ngayon ang access sa dating Speaker.

“Actually, kasi mukhang hindi pa yata puwede sa ngayon,” ani Barbers.

Nais ni Barbers na malaman ang kasalukuyang kondisyon ng kalusugan ni Romualdez matapos niya itong makita noong panahon na naospital ang dating Speaker.

Kapwa nagsilbi at malapit na nakatrabaho nina Abante at Barbers si Romualdez sa Kamara bago ito ma-detain.

Ayon sa dalawang mambabatas, kailangan muna nilang hintayin ang pahintulot ng detention facility bago maisagawa ang kanilang pagbisita.

Nang tanungin naman kung ano ang kanyang dadalhin kapag natuloy na ang pagbisita, nakangiting sagot ni Abante: “Ako, ang dala ko prayers.”