Calendar
Pinoy fashion designers hinangaan sa NY




NEW YORK–Iwinagayway ng 12 sikat na brands ng fashion at accessories mula sa Pilipinas ang galing ng mga Pinoy sa katatapos lang na FASHION Philippines-New York 2026 sa Accessories Council Trade Showspace sa New York City.
Sa suporta ng Philippine Consulate General, Philippine Trade and Investment Center (PTIC-NY) at ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), layunin ng pambansang delegasyon na palakasin ang merkado sa Estados Unidos.
Kabilang sa mga ipinagmamalaking produkto na umani ng papuri ang mga de-kalidad na alahas, sapatos at mga kakaibang bag na gawa sa kamay ng malikhaing Pinoy.
Naging inspirasyon sa programa ang mga designers na sina Rowell Concepcion ng Binata Millinery at Rafe Totengco ng Rafe New York.
Ibinahagi nila ang kanilang tagumpay at kung paano hinubog ng kanilang dugong Pinoy ang kanilang mga pangalan sa kompetisyon sa Amerika.
Kabilang sa mga kalahok na tatak ang Floreia, Golden Monstera, Aishe Fashion, Ely Knows at iba pa.

