Fajardo Matinding depensa ang ipinakita ni June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa lay-up ni Kobey Lam ng Bay Area sa Game 3 ng kanilang PBA Commissioner’s Cup semifinal showdown sa Philsports Arena sa Pasig. Photo by Ernie Sarmiento

Fajardo napiling Cignal-PBAPC Player of the Week

Robert Andaya Dec 21, 2022
266 Views

NAPILI si six-time PBA MVP June Mar Fajardo ng defending champion San Miguel Beer bilang Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week para sa period ng December 14-18.
Si Fajardo, na binansagan ding “The Kraken” ng madaming basketball fans, ay nagtala ng averages na 22.3 points, 11.3 rebounds, 2.3 assists at 1.7 blocks para pangunahan ang kampanya ng Beermen laban sa No. 1 Bay Area

Dragons sa kanilang semifinal showdown sa PBA Commissioner’s Cup.

Matapos ang dalawang sunod na talo, nagbida ang 6-foot-10 na si Fajardo sa kanyang double-double effort para sa 98-96 panalo laban sa Dragons sa Game 3 nung Linggo.

“Do-or-die na kami, so kailangan namin mag-step up. Sabi nga ni coach (Leo Austria), kung ano laman ng tank namin kailangan na namin ilabas,” pahayag ni Fajardo.

Sa Game 1, gumawa si Fajardo ng 11 points, eight rebounds, four assists at two blocks. Sinundan niya ito ng 35 points, 10 rebounds, one assist, one steal at one block sa Game 2.

Matapos nito, bigay-todo si Fajardo sa Game 3 na kung saan nag-ambag siya ng 21 points, 16 rebounds, two assists, one steal at three blocks laban sa “Twin Dragons” ng Bay Area na sina Andrew Nicholson at Liu Chuanxing.

Naungusan ni Fajardo para sa weekly citation sina Barangay Ginebra guard LA Tenorio at San Miguel teammate CJ Perez.