Dr. Jose Antonio Goitia Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.

Goitia: Labans sa WPS, laban ng bawat Pilipino

Jon-jon Reyes Aug 4, 2025
562 Views

PARA kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, malinaw ang mga salitang binitiwan na may paninindigan: wala kang dapat ikahiya kapag ipinaglalaban mo ay ang bayan.

Ito ang matapang na tugon ni Chairman Emeritus Goitia, kilalang tagapagtanggol ng soberanya ng Pilipinas matapos umalma ang Chinese Embassy sa pahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro tungkol sa West Philippine Sea (WPS)

“Ito ay simpleng pagtatanggol sa karapatan natin bilang isang Pilipino ” ani Goitia.

Pero hindi lang pagtindig ang punto ni Goitia, may dalang solusyon din siya.

“My four cents suggestion on the WPS: balikan natin ang December 1987 Manila Declaration ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), lalo na ang ZOPFAN o ‘Zone of Peace, Freedom and Neutrality’ sa West Philippine Sea,” pahayag niya. “Hindi tayo aasenso kung laging may veto power ang China sa United Nations Security Council. Kailangan ng sama-samang hakbang ng ASEAN para baguhin ang sistema.”

Para kay Goitia, ang laban sa West Philippine Sea ay hindi lang laban ng gobyerno, kundi ng bawat Pilipino. Hindi ito dapat pulitika lang. Buhay at kabuhayan ang nakataya.

“Yung isda, yaman, at seguridad diyan, para sa Pilipino ‘yan. At kung mananahimik lang tayo, may ibang kukuha niyan,” paalala niya.

Ang panawagan ni Goitia ay simple: huwag matakot tumindig, huwag ikahiya ang pagiging makabayan.

“Wala tayong ginagawang masama. Ang mali ay ‘yung tahimik na pumapayag. At hindi na tayo dapat maging ganun,” ani Goitia.