Rep. Legacion

Legacion kahit baguhang kongresista naghain agad ng 15 panukalang batas

Mar Rodriguez Aug 4, 2025
297 Views

KAHIT siya ay baguhang miyembro ng Kamara de Representantes, hindi nagpatumpik-tumpik si Camarines Sur 3rd District Rep. Nelson S. Legacion sa kaniyang unang trabaho matapos itong maghain ng 15 panukalang batas.

Sinabi ni Legacion na ang pangunahing layunin ng inihain nitong panukalang batas ay ang tugunan o ma-address ang pangangailangan ng mga nasa laylayan o ang tinatawag na nasa “grassroots” sa pamamagitan ng kaunlaran.

Pagbibigay diin ng kongresista na ang kaniyang top priority ay ang edukasyon para sa mga mahihirap na estudyante lalo na sa mga lalawigan na hindi naaabot ng pag-unlad.

Ipinaliwanag din ni Legacion na kabilang sa kaniyang inihaing panukala ay ang ilapit ang serbisyo ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga lalawigan partikular sa pamamagitan ng paglalagay ng satellite office sa Naga City.

Sinabi ni Legacion na mas magiging madali para sa mga estudyante sa kanilang lalawigan na ma-access ang napakahalagang serbisyo at suporta ng gobyerno para sa mga mag-aaral.

Bukod dito, inihain din ng Bicolano solon ang pagkakaroon ng dialysis clinics sa lahat ng national, regional at provincial hospitals kung saan kasama dito ang pag-aalok ng libreng dialysis treatmentpara sa mga indigent patients o mahihirap na pasyente.

To God be the Glory