Calendar
Ang lugar sa Sampaloc, Manila, kung saan natagpuan ang isang hand grenade ng isang taxi driver.
Granada natagpuan sa harap ng gasolinahan sa Sampaloc
ISINUKO ng isang 63-anyos na taxi driver ang hand granade na napulot nito sa sa harap ng Green Fuel Gas Station sa kahabaan ng Lacson Avenue corner Fajardo Street, Sampaloc, Manila, Miyerkoles ng umaga.
Nakilala ang drivena si alyas Pantaleon, may asawa, at residente ng 600-C Gov. Forbes St., Sampaloc.
Ayon sa report ng pulisya, bandang 10:30 ng umaga, nakatanggap ng tawag sa telepono bandang 10:30 a.m. ang Duty STOC na si PMSg Jeison Magsael mula sa PSSg Cariaga upang ipaalam na may isinukong hand grenade sa Barangay 432, Sampaloc.
Agad nagtungo ang imbestigador sa lugar upang i-verify ang ulat.
Kinordon na ng mga tauhan ng Lacson PCP ang lugar kung saan nakalagay ang umano’y hand grenade.
Nabatid sa imbestigasyon napansin ng driver ang lata sa gitna ng kalsada bandang 2:30 ng madaling araw, sa Metro Oil Station sa kahabaan ng Lacson Avenue. Nang makitang granada ang laman ay iniuwi niya ito. Pagkatapos ay isinuko niya ang hand grenade kay Barangay Secretary Aljon Jimenez ng Barangay 432, Sampaloc.
Itinawag na rin sa pulisya ang insidente.
Dumating sa pinangyarihan ng insidente sina PSSg Thelma Elgera at PSSg Chito De Guzman ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Unit para sa pagre-recover, pagsusuri, at tamang disposisyon ng ‘hand grenade.’

