Gunrunning suspek taob sa mga biktima niya

224 Views

ARESTADO ang isang suspek sa gun-running sa buy-bust sa Gerona, Tarlac.

Sa ulat kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Regional Field chief Col. Grant Gollod, kinilala ang naaresto na si alyas Lan, 46c.

Isinagawa ang pag-aresto sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Tarlac-Provincial Field Unit (PFU) at Provincial Intelligence Team (PIT)-Tarlac–RIU3 at Gerona Police Station.

Sangkot ang suspek sa ilegal na pagbebenta at pagmamay-ari ng mga hindi lisensyadong baril sa lalawigan.

Narekober mula sa kanya ang isang cal .38 revolver, isang .357 revolver, apat na bala para sa .38, tatlong bala para sa .357, pati na ang marked money at boodle money na ginamit sa operasyon.

Napag-alamang dati nang naaresto ang suspek noong 2023 dahil sa alarm and scandal at direct assault.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act).