Calendar
Video and screen grab source: PCG–TechnicalDivingGroup
Lumubog na MV Trisha Kerstin 3 matatagpuan 1.8 nautical miles mula Baluk-Baluk Island
KINUMPIRMA ni Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) Commander, Commodore Rejard Marfe PCG, ang lokasyon ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3 na matatagpuan humigit-kumulang 1.8 nautical miles mula sa Baluk-Baluk Island, Basilan, nitong Pebrero 4, 2026.
Ligtas na nakapasok ang mga PCG technical divers sa lumubog na sasakyang-dagat bilang bahagi ng patuloy na underwater assessment operations.
Ayon kay Commodore Marfe, positibong natukoy ng Technical Diving Group (TDG) ang wreck matapos malinaw na mabasa ang pangalan ng sasakyang-dagat na MV Trisha Kerstin 3 na nakamarka sa katawan ng barko.
Ibinahagi rin niya na ang dalawang bangkay na narekober ngayong araw ay nakuha ng TDG mula sa mga rehas (railings) ng lumubog na sasakyang-dagat.
Isinasagawa ang mga dive operations alinsunod sa aprubadong dive plan, na may layuning higit pang masuri ang kalagayan ng sasakyang-dagat at masuportahan ang mga posibleng karagdagang recovery efforts.
#DOTrPH 🇵🇭
#CoastGuardPH
#MaritimeSectorWorks

