Calendar
Source: Police Regional Office-BARMM
Guro sa BARMM binaril nang malapitan sa ulo, tigok
PATAY ang isang guro sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) matapos na barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspect nitong Huwebes ng gabi .
Nakilala ang biktima na si Evangeline Pantorilla Abdullah, guro sa isang paaralan sa Cotabato City.
Ayon kay Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regional Office- Bangsamoro Autonomous Region, naganap ang insidente sa gilid ng highway sa Sitio Kurbada sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nakatayo umano ang biktima sa naturang lugar nang lapitan ng suspect at binaril sa ulo ng malapitan.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na may pinaslang na guro sa lugar.
Nitong June 27, 2026 ay napatay din ang public school teacher na si Hapipa Saripada Macadato sa isang ambush sa Barangay Lamin sa Malabang sa Lanao del Sur.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
