Calendar
Source: Tingog Party-list
Hotshots ng Kamara siniguro epektibong serbisyo publiko

MAINIT ang naging pulong ng apat na batang kongresista sa Kamara habang todo-aral at palitan ng ideya para sa mas epektibong serbisyo publiko. Ang mga bagong sibol na lider sa Kamara de Representantes—(ikatlo mula kaliwa, paikot) sina Rep. Andrew Julian K. Romualdez (Tingog Party-list), Rep. Javier Miguel L. Benitez (Negros Occidental), Rep. Brian Poe-Llamanzares (FPJ Panday Bayanihan Party-list) at Rep. Ryan S. Recto (Batangas)—ay nagtipon para sa isang working lunch nitong Miyerkoles upang magpalitan ng ideya at pananaw hinggil sa paggawa ng batas, serbisyo publiko, at mabuting pamamahala.
Layunin ng pulong na ito na palakasin ang kanilang kakayahan sa paggawa ng batas, isaayos ang legislative agenda ayon sa mga layunin ng Marcos administration, at maglatag ng plano para sa kooperasyon at transparency sa susunod na tatlong taon.
Bahagi sila ng ikalawang batch ng nasabing kursong tumatagal ng tatlong araw at layong hubugin ang mga bagong miyembro ng ika-20 Kongreso.
Sama-samang umaasa ang mga batang mambabatas na sa pamamagitan ng pagkakaisa at patuloy na pag-aaral, ay mas mapapalakas pa nila ang serbisyo sa kani-kanilang distrito at sa buong bansa.

