Calendar
House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan, Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
House Minority Leader nananawagan kay PBBM na maglunsad ng national flood control program
NANAWAGAN si House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pangunahan ang isang malawak, komprehensibo at pangmatagalang pambansang flood control at mitigation program upang tugunan ang lumalalang pagbaha sa Metro Manila at sa buong bansa.
“The President still has three years left in his term—enough time to lay the groundwork for a program that could stand as one of his most lasting legacies,” ani Libanan.
“If the President acts decisively now, flood control can become a flagship initiative of his administration,” dagdag pa ni Libanan. “Even if massive infrastructure works cannot be completed within three years, the blueprint and initial projects can be put in place for future administrations to finish.”
Pinuri ni Libanan si San Miguel Corp. (SMC) President at Chief Executive Officer Ramon Ang sa alok nito na tumulong na maresolba ang problema ng Metro Manila sa pagbaha nang walang gastos para sa gobyerno o publiko.
“Mr. Ang’s offer proves that the private sector is ready to contribute to solving a decades-old problem that has crippled our cities and hurt our economy,” ani Libanan.
Dagdag niya, maaaring isaalang-alang ng Pangulo na kunin si Ang bilang isa sa kanyang mga consultant para sa mungkahing pambansang flood control program, upang lubos na mapakinabangan ang kanyang kadalubhasaan, resources at praktikal na solusyon.
Binigyang-diin ni Libanan na bagama’t magiging mahalaga ang public-private partnerships, kailangang pangunahan pa rin ito ng pambansang pamahalaan.
Ang panukala ni Ang—na kinabibilangan ng paglilinis ng mga daluyan ng tubig, pagtanggal ng mga sagabal at relokasyon ng mga apektadong residente—ay sinuportahan na ng Pangulo, ng Metropolitan Manila Development Authority at ilang Metro Manila mayors.
Upang magamit ang momentum na ito, hinikayat ni Libanan ang Pangulo na magpatawag ng isang National Public-Private Flood Control Summit upang pagsamahin ang mga eksperto, resources at teknolohiya. Ito, aniya, ay maaaring maging daan sa pagbuo ng isang Presidential Task Force on Flood Control.
“The State must boldly lead this effort, especially since police powers will likely be needed to clear illegal structures, enforce zoning laws and protect vital waterways,” ani Libanan.
Idinagdag pa niya na maaaring pagkalooban ng Kongreso ang Pangulo ng special emergency powers upang malampasan ang mga pagkaantala sa burukrasya at mga legal na balakid, na magbibigay-daan sa mas mabilis na procurement, right-of-way acquisition at relokasyon ng mga apektadong pamilya.
Ilan sa mga posibleng kapangyarihan ay kinabibilangan ng:
· Fast-track authority para sa pagbili ng flood control equipment at materials;
· Agarang relokasyon at kompensasyon para sa mga pamilyang maililipat;
· Realignment ng ilang budget items upang pondohan ang agarang flood mitigation measures.
Nagbabala rin si Libanan na ang matinding climate change ay tiyak na magpapalala ng pagbaha sa bansa sa mga susunod na taon, kasabay ng pagbibigay-diin sa mga pag-aaral ng Intergovernmental Panel on Climate Change na nagtataya ng mas madalas at mas matitinding pag-ulan sa Southeast Asia.
“We cannot wait for the next big flood disaster before acting. Every year we delay, more lives, homes and livelihoods are at risk,” aniya.
Kamakailan lamang, malalaking bahagi ng Metro Manila ang lumubog sa baha bunsod ng habagat at sunod-sunod na bagyong Crising, Dante at Emong.
Sa iba’t ibang panig ng bansa, nagdulot din ng paglikas ng libo-libong mamamayan at bilyon-bilyong pisong pinsala ang flash floods at umapaw na mga ilog.
“This is not just a Metro Manila problem,” ani Libanan. “Severe flooding now affects provinces from Northern Luzon to Mindanao. This is a national crisis that demands a countrywide solution.”
Binigyang-diin niya na ang isang makabagong flood control master plan ay dapat pagsamahin ang structural measures gaya ng dams, dikes, spillways, pumping stations at upgraded drainage systems—at non-structural strategies gaya ng reforestation, mas maayos na urban planning, rainwater harvesting at recycling, at mahigpit na pagpapatupad ng mga environmental laws.
“This is the perfect opportunity for the President to lead a bold national initiative,” pagtatapos ni Libanan. “History will judge us not by the speeches we make about climate resilience, but by the lasting solutions we build to protect our people.”

