Jesus

Ilayo Ninyo kami Panginoon sa kawalang malasakit sa kapwa

Mar Rodriguez Nov 26, 2026
62 Views

PANGINOON naming Diyos, isang araw na naman ang dumating para ipagpatuloy ang aming mga gawain, tungkulin at obligasyon sa aming pamilya, trabaho at negosyo at sa iba pang larangan para gamitin ang talentong ipinagkatiwala at ipinahiram mo lamang sa amin.

Dalangin namin mahal naming Diyos ang iyong gabay at patnubay sa tulong ng Banal na Espiritu upang sa aming mga gagawin sa araw na ito ay huwag sana kaming makagawa ng mga bagay na hindi kaaya-aya sa iyong paningin at hindi nawa kami makagawa ng mga bagay na labag sa iyong kautusan.

Ilayo Niyo po kami Panginoon sa mga pambubuyo ng kasalanan sa mga tuksong hatid ng diyablo gaya ng kasakiman, kahalayan at kawalang malasakit sa kapwa na naglalayong pahinain ang pananampalataya sa inyo. Tulungan mo kami Panginoon na maging matatag sa kabila ng mga mabibigat na pagsubok. Ito ang aming samo’t dalangin sa pangalan ni Hesus na aming Diyos.

AMEN

Ni MAR RODRIGUEZ