PCSO

Isang mananaya tumama ng P72.2M sa MegaLotto 6/45

171 Views

ISANG mananaya ang nanalo ng P72.2 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 20 – 33 – 30 – 10 – 08 – 34.

Nanalo naman ng tig-P32,000 ang 34 mananaya na nakakiuha ng lima sa anim na lumabas na numero.

Tig-P1,000 naman ang tinamaan ng 2,057 mananaya na nakaapat na numero at tig-P30 naman ang 33,685 mananaya na nakakuha ng tatlong numero.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.

Ang premyo na mahigit P10,000 ang halaga ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis alinsunod sa TRAIN law.