116 kriminal tiklo sa CIDG-RFU 3
Jun 6, 2026
Dahil sa panghahalay, 2 Amerikano inaresto
Jun 6, 2026
EPD cops inaresto 8 carnap suspek
Jun 6, 2026
Calendar
Nation
‘Jacinto’ baka ika-10 bagyo na bibisita sa PH
Peoples Taliba Editor
Aug 24, 2025
804
Views
PATULOY na magdudulot ng ulan ang low-pressure area (LPA) na nasa east ng Mindanao sa Visayas at Mindanao, ayon sa state weather bureau noong Linggo.
Sa 3:00 a.m. update, namataan ang LPA sa layong 445 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaring maging ganap na bagyo ang LPA habang papalapit sa Visayas at Mindanao.
Tatawaging “Jacinto” ang bagyo at pang-10 sa Pilipinas sa 2025.
Samantala, apektado ng “habagat” ang southern Luzon, eastern Visayas, central Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Davao region.
Nagbabala ang PAGASA ng flash floods or landslides dahil sa habagat.

