Calendar
Jaen nagkaroon ng Lingap Kalusugan drive
JAEN, Nueva Ecija – Ginanap ang Lingap Kalusugan Para Sa Barangay program nina Sen. Risa Hontiveros at Mayor Sylvester Austria noong Biyernes sa bayang ito.
Halos 350 benepisyaryo ang nakinabang mula sa mga barangay ng Ulanin Pitak, Pinanggaan, Pakul at Hilera, ayon kay Arvee Kate Serrado, ang medical team leader ng senadora.
“Ang mga libreng medical services dito ay blood chem laboratory, mayroon itong uric acid, cholesterol, blood sugar, mayroon ding tayong urinalysis, fetal doppler, ECG, vital signs checking, doctor’s consultation at libreng gamot na pang isang buwan,” sabi ni Serrado.
Nasa 23 na mga medical personnel ang ipinadala para sa aktibidad.
Napabilib si Austria nang makita ang mga kagamitang medikal na dala ng grupo ng senadora. “Puro hi-tech ang gamit n’yo,” pahayag niya kay Serrado.
Kaalinsabay ng medical mission ay ang blessing at ribbon-cutting ng bagong multi-purpose gymnasium kung saan ginanap ang aktibidad.
