Bautista

Kapasidad ng bagong Laguindingan terminal nadagdagan

Jun I Legaspi Oct 1, 2024
13 Views

BINUKSAN na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) noong Setyembre 30 ang Bagong Passenger Terminal Building sa Laguindingan, Misamis Oriental para tumaas ang passenger capacity ng paliparan ng 72%.

Mula sa kapasidad na 500 sa pre-departure area, nadagdagan ito ng 360 pasahero.

Pinapalakas nito ang kakayahan ng paliparan na tumanggap at maglingkod sa mga manlalakbay, lalo na’t nakakahawak ito ng hanggang 2 milyong pasahero taun-taon.

Ito din ang ikatlong pinakaabalang paliparan na pinamamahalaan ng CAAP noong 2023 at ikaanim na pinakaabalang paliparan sa bansa noong 2019.

Ang proyekto, na nagsimula noong Pebrero 2024, kinabibilangan ng 720-square-meter na pagpapalawak gamit ang modular construction system, na nagbibigay ng mahusay na disenyo, mabilis na pagtatayo, mababang gastos, at environment-friendly na solusyon.

Bahagi ito ng target ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista na palawakin ang air connectivity at pagbutihin ang mobility para sa mga Pilipino.

“The expansion of Laguindingan PTB will not only enhance travel convenience and capacity but will also significantly benefit the neighboring cities of Northern Mindanao, including Cagayan de Oro, Iligan, and Marawi, as well as Misamis Oriental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, and Bukidnon.

This development will support regional integration, which is crucial for improving access to opportunities throughout the region and for driving economic growth,” saad ni Bautista.

Binigyang-diin ni CAAP Director General Capt. Manuel Antonio L. Tamayo ang dedikasyon na tapusin ang proyekto sa loob ng taon.