Bantay Source: AFP file photo

Katiwalian walang lusot sa bantay ng taongbayan

291 Views

SUPORTADO nina Sens. Alan Peter Cayetano at Francis “Kiko” Pangilinan ang hinaing ng mga mamamayan tungkol sa korapsyon at naniniwala sila na mga mamamayang may malasakit at tapang na manindigan ang pinakamabisang antidote laban sa korapsyon at katiwalian.

Sa kanyang programang “CIA 365 with Kuya Alan” sa FB, sinabi ni Cayetano na ang korapsyon at kawalan ng katapatan ay karaniwang nagsisimula sa maliliit na gawain ngunit kalauna’y lumalaki at nagiging sistematikong suliranin.

Kadalasang nagsisimula sa maliliit na gawain na kalaunan ay lumalaki ang lahat ng klase ng korapsyon, ayon sa senador.

Ayon pa sa sendor, hiindi sapat na puro mga leader ang sisihin dahil may responsibilidad din ang bawat mamamayan para masugpo ang katiwalian.

“Habang ina-advocate natin ang good governance, habang sinasabi natin na kailangan lahat ng kasama managot. Let’s ask ourselves what’s the one thing or what are the three things we can do?” tanong niya.

Sinabi naman ni Pangilinan na higit sa mga institusyon ng pamahalaan, ang pinakamabisang panangga laban sa pang-aabuso ay ang mismong mamamayan.

“Ang pinakamatinding check sa mga politiko ay ang taumbayan na naninindigan at tumataya. The people want to know the truth—the whole truth. Hindi papayag ang taumbayan sa cover up,” sabi ni Sen. Pangilinan.

Idinagdag pa niya na bahagi ng isang malusog na demokrasya ang mapayapang pagkilos at dapat ipagpatuloy ng mga Pilipino ang paniningil ng pananagutan, lalo na sa mga opisyal na maaaring muling tumakbo sa darating na halalan.

Git ng dalawang senador: mahalaga ang mga batas at reporma, ngunit ang tunay at pangmatagalang pagbabago ay nakasalalay sa mga mamamayang tapat, mapagbantay at handang managot.