Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
DPWH

Paglinis ni Dizon ng bulok na prutas sa DPWH suportado

254 Views

TODO-suporta si Sen Panfilo “Ping” Lacson sa laban sa korapsyon ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon laban sa mga umano’y “bulok na prutas” sa DPWH.

Tinukoy niya ang privilege speech noong Agosto 20 na nagdetalye ng katiwalian sa substandard at ghost flood control projects at sinabing ang mga dokumento ay magsisilbing patunay ng malawak na corruption sa ahensiya.

“Godspeed, Sec. Vince Dizon. May the force be with you to cleanse the DPWH of greed.

My office will provide you with damning evidence against some ‘low hanging rotten fruits’ but will instil fear so that others will think twice before following their bad examples,” sabi ng senador sa kanyang X account (dating Twitter).

Binigyang-diin ni Lacson ang pangangailangang may katiyakan ang parusa—pagsasampa ng kaso, pag-uusig, paghatol at pagkakakulong—upang mapawi ang mga anomalya.

Idinagdag pa niya noong Huwebes sa X na tinatapos niya ang kasunod sa “Flooded Gates of Corruption” at nakatakdang magbigay ng privilege speech sa Miyerkules at muli siyang magsasalita kung may bagong ebidensya sa iregularidad ng mga flood control projects.