Calendar
Kiko sa mga Discaya: Di pwede ang coverup
IPINAHAYAG ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na walang witness protection kina Sarah at Curlee Discaya kung babaguhin ang kanilang sinumpaang salaysay.
Ang mga kompanya ng mag-asawa, na nakakuha ng bilyong pisong infrastructure awards mula pa noong 2016, ay mga pangalan mula 2022 pataas lamang ang ibinigay ng mga umano’y nanghingi ng pera kaugnay ng “ghost” o substandard na proyekto.
“2016 pa sila sa flood control projects pero mula lang 2022 ang mga pinangalanan,” aniya sa social media.
“Hindi maaring ‘edited o photoshopped’ ang inyong sworn statement. Hindi puede ang cover up.”
Dagdag pa niya: “Dapat ay the WHOLE truth. Hindi puede sa witness protection ang cover up. Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.”
Lumitaw ang usapin sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes, September 8, kung saan binasa ng mag-asawa ang kanilang sinumpaang salaysay at nagpabatid ng kahandaang maging state witnesses sa isyu ng flood control.
Iniimbestigahan ng komite ang umano’y maanomalyang flood control projects at iba pang malalaking kontratang iginawad ng Department of Public Works and Highways sa iba’t ibang kontratista, kabilang ang mga kompanya ng Discaya.

