Speaker Romualdez Nakipagpulong si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga chairperson ng mahahalagang komite sa Kamara de Representantes upang talakayin ang mga hamong kinakaharap ng Kamara, partikular ang mga katanungan ukol sa mga proyektong pang-imprastruktura, at sa pagbalangkas ng mga batas na tutugon sa pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino.

Kokomprontahin ng Kamara mga isyu sa flood control — Speaker Romualdez

317 Views

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na haharapin ng Kamara nang patas at bukas na pamamaraan ang mga alegasyong may kaugnayan sa mga flood control project, kasabay ng kanyang direktiba na simulan ang pagbalangkas ng batas upang matugunan ang mga kagyat na pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino.

Sinabi ni Speaker Romualdez na nakipagpulong siya sa mga chairperson ng mahahalagang komite upang talakayin ang mga hamong kinakaharap ng Kamara, partikular ang mga katanungan ukol sa mga proyektong pang-imprastruktura.

Binigyang-diin niya na dapat isagawa nang bukas at responsable ang mga imbestigasyon―ngunit binalaan din na hindi maaaring hayaang maparalisa ng mga ito ang mas malawak na tungkulin ng Kongreso na maglingkod sa bayan.

“These are serious matters, and I emphasized that the integrity of the House must always be above question,” ani Speaker Romualdez. “The people deserve clear answers on where public funds go and who truly benefits from them.”

Ipinaalala niya sa kanyang mga kasamahan na hindi dapat matabunan ng mga alitang pampulitika ang mga kagyat na batas na kailangan para sa food security, paglikha ng trabaho, kalusugan, edukasyon at pambansang depensa.

“Bawat araw na ginugugol sa pulitika ay araw na nawawala sa paglilingkod. Ang mandato ng Kongreso ay magtrabaho para sa bayan,” diin ni Speaker Romualdez.

Binigyang-diin pa ng Speaker na naging pinakamaproduktibong Kongreso sa kasaysayan ang 19th Congress sa pamamagitan ng pag-iwas sa pulitika at pagpasa ng mga batas na may direktang benepisyo para sa mamamayan―mula sa trabaho at kabuhayan hanggang sa kalusugan at pambansang seguridad.

Aniya, ito rin ang dapat na maging gabay ng 20th Congress.

“Ituloy natin ang mga imbestigasyon kontra katiwalian para lumabas ang katotohanan. Kasabay nito, doblehin natin ang sipag sa paggawa ng batas at programang direktang nakakatulong sa taumbayan: murang pagkain, trabaho na may sapat na suweldo, libreng ospital at gamot, edukasyon para sa lahat, at seguridad sa ating mga komunidad,” sabi ni Speaker Romualdez.

Binigyang-diin pa niya: “The House must remain the House of the People―a chamber of service, not of scandal. Challenges will come and go, but our mission remains: to serve, to deliver, and to keep faith with the Filipino people.”

Dumalo sa mga pulong sina Agriculture and Food Chair Mark Enverga, Aquaculture and Fisheries Resources Chair Tsuyoshi Horibata, Ways and Means Chair Miro Quimbo, Agrarian Reform Chair Eleanor Bulut Begtang, Economic Affairs Chair Antonio Legarda Leviste, Government Enterprises and Privatization Chair Eric Olivarez, Health Chair Ciriaco Gato, Basic Education Chair Roman Romulo, Higher and Technical Education Chair Jude Acidre, at Public Works and Highways Chair Romeo Momo.