Accident PNA file photo

Kotse bumangga sa Laguna, designer patay

Gil Aman Dec 21, 2025
508 Views

PATAY ang isang designer at sugatan ang freelance designer nang ang sinasakyan nilang Isuzu Altera ay bumangga sa National Highway, Barangay Patimbao, Sta. Cruz, Laguna, madaling araw ng Sabado.

Sa ulat ni PLt. Col. Jojo Sabeniano, hepe ng Sta. Cruz Police, kinilala ang nasawing biktima na si alyas “Joel” na residente ng Brgy. Bagumbayan ng nasabing bayan.

Siya ay nasawi sa mismong pinangyarihan ng aksidente dahil sa malubhang mga sugat sa katawan.

Kasalukuyan namang ginagamot ang kasama nitong 36-anyos na freelance designer na kinilalang si alyas “Jay Jay” dahil sa mga tinamong sugat sa katawan.

Dakong alas-12:30 ng umaga nang maganap ang aksidente. Minamaneho ng drayber na taga-Bulilan Norte, Pila, Laguna, ang sasakyan na lulan ang dalawa.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, mabilis na tumatakbo ang sasakyan patungo sa Brgy. Patimbao nang aksidente itong bumangga.