Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Provincial
Kumatok, pinagbuksan sinalubong ng bala
Gil Aman
Mar 20, 2025
353
Views
PATAY ang 34-anyos na pahinante ng truck nang barilin ng kumatok sa pintuan ng kanilang bahay sa Brgy. Bitin, Bay, Laguna noong Miyerkules.
Nasawi ang biktima na si alyas Eugene dahil sa dalawang tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril mula sa nakatakas at hindi nakilalang suspek.
Ayon sa ulat ng Bay police kay Laguna Provincial Director P/Col. Ricardo Dalmacia, dakong alas-9:15 ng gabi binaril ang biktima.
Ayon sa imbestigasyon, nasa loob ng bahay ang biktima nang biglang dumating ang suspek saka kumatok sa pintuan ng bahay.
Matapos mabuksan ang pinto, mabilis na pinaputukan ang biktima ng suspek.
Sakay ng itim na Ford Everest ang suspek na tumakas sa gawi ng Sto. Tomas, Batangas.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

