Eala

Lacson: Alex Eala pinakabago, pinakabatang PH national hero

46 Views

TINAWAG ni Senador Panfilo “Ping” Lacson si Alex Eala na “newest and youngest national hero” ng bansa matapos talunin ng Filipina tennis player si Caty McNally sa kabila ng pinsala sa kanang paa upang umabante sa Round of 16 ng Canadian Open.

“Make way for our newest and youngest national hero – Alex Eala!” sinabi ni Lacson sa isang post sa X.

Tinalo ni Eala si McNally, 6-3, 5-7, 6-4, sa kanilang Round of 32 match sa Toronto matapos sumakit ang kanyang kanang paa habang naglalaro.

Dinala ng panalo si Eala sa Round of 16, ilang araw lamang matapos niyang makuha ang titulo sa Mubadala DC Open.

Tinalo ni Eala si Jessica Pegula sa rain-delayed final sa Washington at naging unang Pilipinong tennis player na nanalo ng WTA Tour singles title.

Nauna ring nagpasalamat si Lacson kay Eala sa pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas at sinabing kabilang siya sa mga Pilipinong nagpuyat upang subaybayan ang kanyang laban.

“Thank you Alex Eala for bringing honor and pride to our country, kahit pinuyat mo kaming mga Pinoy dito sa Pilipinas kagabi. Nakalimutan ko, may impeachment trial pala kami this morning,” sinabi ni Lacson.