Calendar
Lacson pinangalanan ‘DPWH exec’ na ‘nag-alok’ ng budget insertion
PINANGALANAN ni Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Linggo ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na umano’y tumawag at nag-imbita sa isang mambabatas upang magsagawa ng maagang insertions sa panukalang pambansang budget para sa 2026.
Ayon kay Lacson, isang nagpakilalang undersecretary ang umano’y tumawag sa staff ni Senate Minority Leader Vicente Sotto III makalipas ang halalan noong Mayo 2025 at tinanong kung ano ang nais nilang ipasok sa National Expenditure Program (NEP) para sa 2026.
“Kung isa si Sen. Sotto na inalok ng ganoon, sino pa kaya ang nakausap at nagsumite ng kanilang insertions?,” ani Lacson sa DZBB radio.
Ibinahagi ni Lacson na sinabi umano ni Sotto: “Hindi ako nag-submit. Ito nga ang ating ina-advocate, pagkatapos magsa-submit ako ng insertion?”

