Calendar
Sen. Sherwin Gatchalian
Lacson: Senate presidency ni Gatchalian para Senado ibangon
ANG pagsusulong ng Senate minority bloc kay Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate president ay naglalayong makatulong sa pagbangon ng Senado mula sa mga kontrobersiya, ayon kay Sen. Panfilo Lacson.
Sinabi ni Lacson na buo ang suporta ng 11-member minority bloc kay Gatchalian.
“Sa amin, ang primary or main concern naming 11, ibangon ang Senado,” sabi ni Lacson.
Hindi pinag-usapan ng grupo ang pagpapalit ng liderato ng Senado upang itulak ang constituent assembly at hindi rin ito nakatali sa pagtiyak ng conviction o acquittal sa impeachment trial.
Wala pang napagpasyahang boto ang minority sa impeachment trial, at dapat gabayan ng ebidensiyang ihaharap sa impeachment court ang mga senador.
Suportado ng minority si Gatchalian dahil, sa kanyang pananaw, kailangan ng Senado ng pagbabago sa liderato na makatutulong sa pagbawi ng tiwala ng publiko matapos ang mga kontrobersiya.
Nauna nang sinabi ni Lacson na kwalipikado si Gatchalian na pamunuan ang Senado at katanggap-tanggap hindi lamang sa minority kundi maging sa ilang miyembro ng majority.
Hindi sila naghahangad ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng posisyon sa Senado, ngunit handa silang tumulong sa paggabay sa mga mas batang senador.
“We don’t aspire to attain positions in the Senate but we are willing to share our personal and professional experiences,” pahayag ni Lacson.
Si Senate President Alan Peter Cayetano pa rin ang kasalukuyang nasa posisyon.
