Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Calendar
Nation
P24M jackpot sa Lotto 6/42 napanalunan ng taga-Cavite
Arlene Rivera
May 24, 2026
288
Views
BETTOR na taga-Cavite ang nanalo ng P24.16 milyon na jackpot sa Lotto 6/42 draw noong Sabado.
Ayon sa Philippine Charity Swerpstakes Office (PCSO), nabili ang winning ticket sa lotto outlet sa Imus City sa Cavite.
Tama ang pili ng bettor at swak ang mga numerong 12-18-03-17-05-08 para ibulsa ang jackpot prize.
Samantala, 145 bettors ang nanalo ng tig-P7,586.20 sa pagpili ng limang tamang winning numbers.
Umabot sa 3,461 ang nanalo ng tig-P288.93 sa pagpili ng apat sa anim na winning numbers.
Binobola ang 6/42 Lotto tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
5 nominee para pumalit kay Gesmundo inilabas ng JBC
Oct 29, 2026

