Anilag

Laguna Anilag fest sa Marso 17-21 inaabangan

Gil Aman Mar 5, 2026
261 Views

GAGANAPIN ang Anilag Festival sa Marso 17-21 sa Laguna provincial capitol sa Sta. Cruz.

Idaraos sa ilalim ni Gov. Sol Aragones, layunin ng festival na ipakilala ang mga atraksyon ng Laguna tulad ng mga magagandang pilgrim sites na kilala sa mga sinaunang simbahan.

Ipo-promote ang lalawigan para maging number one sa larangan ng turismo at mahikayat ang mga turista na dumayo sa Laguna.

Sa unang araw ng event, idaraos ang Anilag Festival Procession Franciscan Saints at holy mass, grand launching ng Laguna Pilgrimage Tourism and Package Tour at Gawad Parangal sa natatanging Lagunense 2026.

Sa Martes gaganapin ang Anilag Festival Level Up 2026 Grand Opening and Trade Fair tampok and Sex Bomb members, Anilag travel fair at fireworks display.

Sa Miyerkules, tampok ang batang Laguna Tunog 80s at 90s at Miss Gay Anilag 2026 coronation night.