Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Provincial
Laguna nagkaroon ng libreng bakunahan
Gil Aman
Aug 13, 2026
227
Views
DUMALO si Gob. Sol Aragones, katuwang ang Laguna Health Team at Provincial Health Office, sa paghahatid ng libreng bakuna kontra trangkaso at libreng maintenance medicines sa mga residente ng apat na bayan sa Laguna noong Huwebes.
Layunin ng libreng bakuna na mailapit ang mga pangangailangang pangkalusugan sa mga residente, lalo na sa mga senior citizens at mga komunidad na malayo sa mga health centers at botika.
Nagsagawa ng libreng flu vaccination ang Akay ni Gob Mobile Botika sa San Antonio, Los Baños; Birmingham Subdivision sa Pulo, Cabuyao; Santa Rosa, Alaminos; at Dila, Bay.
Kabilang sa mga libreng maintenance medicines na ipinamahagi ang amlodipine, atorvastatin, metformin, clopidogrel, losartan at vitamin b complex.
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Buwanang fitness test ginanap para sa BPPO
Nov 28, 2026
Rider nasawi sa salpok ng tricycle
Nov 27, 2026
BBJVI bukas na sa Balanga
Nov 27, 2026
Phase 1 ng Laguna command center tapos na
Nov 27, 2026
El Niño kokontrahin ng SPIPP sa Alliaga
Nov 27, 2026

