Sak2

Lalaki pinagsasaksak, ligtas

188 Views

SUGATAN ang lalaking pinagsasaksak ng kaaway niya na ipinapalagay na dahil sa babae sa Phase 2, Southville 9, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal noong Linggo ng hapon, ayon sa mga pulis.

Kinilala ng Baras police ang biktima na si alyas Allan na ngayo’y nakaratay sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center sa Marikina City dahil sa mga saksak na tinamo.

Batay sa imbestigasyon, pinasok ng suspek na si alyas Nelson ang bahay ng biktima at biglang pinagsasaksak ng maraming beses ang biktima.

Kahit duguan na nakatakbo ang biktima pero hinabol pa rin ng suspek.

Nakita ng mga bystanders ang pangyayari at tinulungan ang biktima kaya umiskerda ang suspek patungo sa hindi malamang direksyon.

Ayon sa report, ang live-in partner ng suspek ay nakipagrelasyon umano sa biktima na posibleng dahilan ng pananaksak.