Calendar
Lapid buo ang suporta sa binitawan ni PBBM sa SONA
IPINAHAYAG ni Sen. Lito Lapid ang kanyang buong suporta sa mga sinabi ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA), partikular sa paninindigan nito para sa pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan.
Ayon kay Lapid, ang pahayag ng Pangulo kaugnay sa patuloy na problema sa pagbaha “shows that he is serious about holding accountable those responsible for the continued widespread flooding, despite the billions already spent by the government on flood control projects.”
Ipinunto rin ng senador na madalas nang-iiwan sa gilid ang mga pangunahing isyu ng mamamayan dahil sa mga bangayang pampulitika.
“In past years, we have witnessed how political squabbling has dominated the news and public discourse, while the real concerns of our people seemed to be overlooked,” aniya.
Binigyang-diin ni Lapid na handa ang Senado na tumulong sa pagpapatupad ng mga programang makatutugon sa mga pangangailangan ng publiko, gaya ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon at imprastruktura.
“We in the Senate are ready to support government programs that truly help uplift the lives of our people,” dagdag pa niya.

